This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, incidents and events are either the product of the author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental
Do not distribute, publish, transmit, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
——
“A 19 year old top college student was found dead at her dorm room with a rope on her neck. She’s found hanging on the ceiling. A diary was also found in the room. The investigator said that the diary says that the girl has a lot of problem. Base on their investigations, it’s purely a suicide. For more infos, click here..”
Basa ng lalaki sa isang artikulo na headline ngayon sa social media. Unti-unting tumulo ang luha na naipon sa mga mata nito hanggang sa tuluyan na nga itong napahagulgol. Ang babaeng tinutukoy sa balita ay ang kanyang kaibigan– mali, ito ang kanyang pinaka matalik na kaibigan. Nu’ng nakaraang araw pa ay puno ng ngiti ang mukha ng dalaga habang kausap sya na para bang wala itong problemang dinadala. Hanggang sa nalaman nya nalang ngayong araw na wala na ito, at ang naging dahilan ng pagpapakamatay nito ay sobrang dami. Pamilya, utang, pag aaral at marami pang iba.
“Napaka makasarili mo…hindi mo man lang naisip na sabihin sa’kin ang problema mo. ‘Di ba kaibigan ang turing mo sa’kin? Wala ba akong silbi sa’yo?”
Lumuluhang sambit ng binata. Bigla namang dumaan ang malamig na hangin sa kanyang bintana na para bang may ibinubulong ito.
“Hindi mo man lang naisip na pwede kitang tulungan sa mga problema mo….na hindi mo naman kailangan ang solusyon na ‘yan para takasan ang mga problemang pasan mo…”
pumikit ang binata at huminga ng malalim.
“H’wag kang mag alala, kahit wala ka na, tutulungan kitang masulba ang mga problema mo. Patutunayan ko sa’yo na may silbi ako. Na maling hindi mo hiningi ang tulong ko”
determinado nitong saad.
Umihip muli ang malamig na hangin. Hindi na nakita ng lalaki ang pag ngiti ng animo’y bultura ng isang babae na may malabong itsura..
“Salamat…” sambit nito bago tuluyang naglaho.